*Try naman natin ang Tagalog, as inspired by a blog I've read quite recently.
Totoo pala ang Carpal Tunnel Syndrome. As in masakit ang espasyo sa pagitan ng hintuturo at hinlalaki ng kamay ko. Masakit magbukas ng bote at pumindot ng panlipat ng tsanel ng telebisyon. Nabuhay muli ang kaliwang kamay ko, meron pala akong reserbang kamay para sa panlipat ng tsanel ng telebisyon.
Natuklasan kong may ganito akong karamdaman dahil nahirapan akong magmaneho, masakit humawak ng manibela at ng kambiyo ng pangmatagalan. Sana mawala na ito bukas dahil marami pa akong excel file na kailangan usisain. Mahirap mapilay ang kamay sa paggamit ng daga.
Wednesday, March 2, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment